Pista sa Nayon sa TLC

π™Ώπš’πšœπšπšŠ 𝚜𝚊 π™½πšŠπš’πš˜πš— 𝚜𝚊 πšƒπ™»π™², πš‚πšŽπš•πšŽπš‹πš›πšŠπšœπš’πš˜πš— πš—πš πš†πš’πš”πšŠ 𝚊𝚝 π™Ίπšžπš•πšπšžπš›πšŠ!

Katangi-tanging kasuotan; naka-aaliw na mga himig; tula at sayaw; katakam-takam na mga pagkain; at kasiya-siyang mga palaro — ito ang mga kaganapan na bumida kaugnay sa selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Kagawaran ng Mas Mataas na Edukasyon ng The Lewis College, na may temang β€œWikang Filipino: Wikang Mapaglaya”, nitong Agosto 29, 2024.

Kaakibat ng pagdiriwang ang ibat-ibang aktibidad na inilunsad ng bawat departamento sa TLC- HED, na syang kinabibilangan ng pagpili sa Binibini at Ginoo na may Magayon at Makisig na Kasuotan, at Talentadong Lewisian, na siyang handog ng Konseho ng mga Mag-aaral (Student Council).

Samantala, hindi naman nag pahuli ang Young Businessmen Club (YBC), Future Educators Organization (FEO) at Computer Society (CS), na syang nanguna sa mga kaganapan tulad ng Perya sa Nayon, Kasalang Bayan, Larong Pinoy, Food Presentation, E-Perya, CD-Toss at Kantang Tanong.

Tunay na kasiya-siya at hindi matatawaran ang karanasan na naibahagi sa mga mag-aaral at guro ang pagdiriwang ng Pista sa Nayon sa TLC! Sa huli, layunin nitong mas maipalaganap ang pagpapahalaga sa sining, kultura at wikang Filipino.

Lubos naman na nagpapasalamat ang The Lewis College sa lahat ng lumahok, nakiisa, at nakipagdiwang sa Pista sa Nayon 2024!

Β© Copyright 2018. The Lewis College. All Rights Reserved.